Kami ay Naninindigan at Nakikiisa: Pahayag mula sa Cross Sector Group ng mga Lider ng Komunidad sa Santa Clara County pagkatapos ng Pagkahalal ni Donald J. Trump nitong Nobyembre 2024
Kami ay nagsama-sama upang maghatid ng isang malinaw na mensahe na anuman ang mangyari sa buong bansa, ang mga lider ng komunidad ng Santa Clara County ay nakatuon sa pagtiyak na ang lahat ng nasa komunidad na ito ay ligtas, mayroong mga mapagkukunan na kinakailangan nila upang umunlad, at alam na sila ay tanggap dito.
Kailangan nating kilalanin ang hirap na naranasan ng marami sa ating komunidad sa panahon ng nakaraang administrasyon ni Donald J. Trump. Naiintindihan din namin ang pagkabalisa at takot na dala ng resulta ng eleksyon na ito sa marami sa ating mga kapitbahay, kaibigan, at mahal sa buhay. Kasabay nito, kami ay tiwala na ang ating komunidad ay handang harapin ang mga darating na hamon.
Iginagalang namin ang demokratikong proseso. At tayo ay tinatawag upang maglaan ng oras bilang isang komunidad na itaguyod ang mga pamantayan ng ating rehiyon at patatagin ang kaunlaran na nagawa natin sa lokal na antas. Ang pangako na ito ay dapat na nakaugat sa masakit na epekto sa pabaliktad na mga patakaran at mapamuhi na mga pananalita sa mga grupong makasaysayang target, kabilang ang mga taong may ibang kulay ; mga imigrante ; Muslim American, Jewish American, at iba pang minoryang relihiyon ; mga kababaihan ; mga taong may kapansanan ; at LGBTQ+ na mga indibidwal. Tuluy-tuloy ang ating pagtatrabaho nang sama-sama para sa mga patakaran na nagsusulong ng pagpapabilang at katarungan at kikilos upang matiyak na ang nangangailangan na komunidad ay mayroong mahahalagang mapagkukunan at ligtas na mga lugar upang ang lahat ay umunlad.
Ang pahayag na ito ay hindi isang politikal na pananaw ; kung hindi, ito ay sumasalamin sa ating malalim na pangako para sa kapakanan ng ating komunidad. Hinihikayat namin ang lahat na manatiling may kaalaman at makipag-ugnayan sa ating lokal na komunidad. Mas matuto pa tungkol sa iyong mga karapatan at responsibilidad bilang residente ng Santa Clara County, makibahagi sa mga lokal na pagkilos, at mag-donate upang suportahan ang mga lokal na organisasyon.
Sama-sama nating pagtatagumpayan ang panahon na ito na nakabatay sa ating ibinahaging sangkatauhan. Tayo ay naninindigang nagkakaisa at matatag, at nangangakong patatatagin ang ating trabaho na protektahan ang kaligtasan at dignidad ng lahat ng tao.
(View English-language press release about the "We Stand United" statement.)