Skip to main content

Nagkasundo ang County ng Santa Clara at HCA Healthcare para Kunin ng County ang Regional Medical Center

Inaasahan na magiging bahagi ang Regional Medical Center ng sistema ng Santa Clara Valley Healthcare sa unang bahagi ng Abril

SAN JOSE, CA – Enero 13, 2025 – Naabot ng County ng Santa Clara at HCA Healthcare ang isang tiyak na kasunduan kung saan bibilhin ng County ang Regional Medical Center (RMC) sa halagang $150 milyon. Ang dalawang partido ay lumagda sa isang Asset Purchase Agreement, kung saan ang RMC ay pinaplanong isasama sa sistema ng Santa Clara Valley Healthcare (SCVH). Ang transaksyon, na napapailalim sa karaniwang mga kondisyon ng pagsasara at mga pag-apruba, ay inaasahang magsasara sa Abril 1, kung saan inaasahan ng County na ipagpatuloy ang operasyon ng ospital.

Nangunguna ang RMC bilang tagapagbigay ng emerhensiyang pangangalaga sa kalusugan para sa East San José, naggagamot ng iba’t ibang klase ng kritikal at mapanganib sa buhay na mga kondisyon. Noong Agosto 2024, ibinaba ng HCA Healthcare ang antas ng trauma, komprehensibong stroke, at ilang serbisyo para sa puso (STEMI) sa RMC. Pinaplano ng County na agad ibalik ang Level II na pangangalaga sa trauma kapag inako na ang operasyon ng ospital, at idadagdag kaagad ng County ang STEMI at komprehensibong serbisyo sa stroke pagkatapos nitong pagbabalik sa Level II. Inaasahan din na maibabalik ang mga serbisyo sa Labor and Delivery sa kalaunan; ang mga serbisyong ito ay ihininto ng RMC noong 2020.

Ang RMC, isang ospital na may 258 na kama, ay nagbibigay ng pangangalaga sa East San José sa loob ng 60 na taon. Ang HCA Healthcare ay gumawa ng malaking pamumuhunan sa ospital sa panahon ng huling dekada para mapabuti ang access at matugunan ang sari-saring medikal na mga pangangailangan ng komunidad, kabilang ang pagsunod sa mga pamantayang seismic-safety ng California. Kinilala ang ospital sa buong bansa ng Healthgrades, isang independiyenteng samahan na nagbibigay ng kalidad na ratings, bilang isa sa 250 na pinakamahusay na ospital sa Amerika sa tatlong magkakasunod na taon – 2024, 2023, at 2022 – na naglalagay sa RMC sa nangunguna na 5% ng mga ospital sa buong bansa para sa pangkalahatang klinikal na gawain.

“Masaya kami na nakamit ang kasunduan sa HCA na maisama ang Regional Medical Center sa sistema ng Santa Clara Valley Healthcare. Ang pagpapanumbalik ng dating mga antas ng pangangalaga ng RMC, kabilang ang mga serbisyong pang-trauma na nagliligtas ng buhay, at ang pagsasama nito sa mahusay na sistema ng pangangalaga sa kalusugan ng County ay magpapabuti sa pangangalaga para sa mga nakatira sa East San José at sa mas malawak na komunidad natin,” sabi ni County Executive James R. Williams. “Sa ilalim ng liderato ng ating Board of Supervisors, nagbibigay-daan sa atin itong pagbili para manumbalik ang kritikal na pangangalaga kung saan ito mas kailangan, paglingkod sa mga nangangailangan, panatilihin ang kalidad na mga trabaho para sa mga tapat na kawani ng RMC , at iwasan ang mga malalaking gastos at ang mga epekto na mararanasan ng County kung kinakailangan nitong palawakin ang mga pasilidad at magdagdag ng mga kawani sa iba pa nating mga ospital.”

“Ang ating mga tapat na care-givers ay magiging mahalaga na matiyak ang maayos na paglipat sa sistema ng Santa Clara Valley Health,” sabi ni Jackie Van Blaricum, Presidente ng HCA Healthcare Far West Division. “Nananatiling matibay na kasamahan ng komunidad sa Good Samaritan Hospital ang HCA Healthcare at inaasahan namin ang patuloy na pagbibigay ng de-kalidad na pangangalaga sa kalusugan na nararapat sa County ng Santa Clara.”  

Upang makamit ang inaasahang petsa ng pagsasara at paglipat sa Abril 1, 2025, ang County ay mangangailangan ng napapanahong pag-apruba ng lisensya mula sa Estado ng California; ang mga aplikasyon sa paglilisensya ng County ay isusumite sa loob ng susunod na 48 oras.

Nakatuon ang County at HCA Healthcare sa pagtitiyak ng isang maayos na paglipat na may kakaunting pagkaantala sa mga serbisyong pangkalusugan para sa komunidad at mga empleyado ng ospital. 

Ang karagdagang impormasyon ay mahahanap sa Frequently Asked Questions page ng County.

Ang dagdag na impormasyon para sa mga empleyado ng RMC ay mahahanap sa https://esa.santaclaracounty.gov/rmc.

 

# # #

 

TUNGKOL SA COUNTY NG SANTA CLARA, CALIFORNIA 

Ang gobyerno ng County ng Santa Clara ay nagsisilbi sa magkakaiba at iba’t ibang kultura na populasyon na may 1.9 milyong residente sa Santa Clara County, California, na may mas malaking populasyon kaysa sa 14 na estado sa U.S. Ang County ay nagbibigay ng mahahalagang serbisyo sa mga residente nito, kabilang ang pampublikong proteksiyon sa kalusugan, pangangasiwa ng kapaligiran, mga serbisyong medikal sa pamamagitan ng Health System ng County ng Santa Clara, mga serbisyo sa proteksyon ng bata at nasa hustong gulang, mga pag-iwas at solusyon sa kawalan ng tirahan, mga kalsada, mga serbisyo sa parke, mga aklatan, pagtugon sa emerhensiya sa mga sakuna, proteksiyon sa mga minoryang komunidad at mga nasa ilalim ng pagbabanta, access sa patas na sistema sa kriminal na hustisya, at iba pang mga pampublikong benepisyo. Ang County ay nagmamay-ari at nagpapatakbo ng Santa Clara Valley Healthcare, na kinabibilangan ng Santa Clara Valley Medical Center—isang kilalang Level 1 Trauma Center—gayundin ang O'Connor Hospital, St. Louise Regional Hospital, at 15 na klinika na naghahatid ng malawak na hanay ng espesyalidad at mga serbisyo sa pangunahing pangangalaga.

Bisitahin ang County ng Santa Clara sa: https://www.santaclaracounty.gov

I-like kami sa Facebook:http://Facebook.com/County.of.Santa.Clara/ 

Sundan kami sa X/Twitter: http://twitter.com/sccgov   

TUNGKOL SA REGIONAL MEDICAL CENTER 

Habang ang Silicon Valley ay patuloy na nagbabago at lumalaki, gayundin ang Regional Medical Center. Ang aming pangkat ng pangangalaga ng mga medikal na propesyonal ay binubuo ng higit sa 1,000 na mga empleyado at higit sa 500 na manggagamot na dalubhasa sa 21 larangan sa medisina, dentistry at podiatry. Mula noong 1965, ang Regional ay isang mahalagang bahagi ng pampubliko at pribadong network ng pangangalagang pangkalusugan ng Santa Clara County. Nasa isang maluwang na campus sa Jackson at McKee, ang Regional ay isang ospital para sa agaran at maikling panahon na pangangalaga (acute-care) na nag-aalok ng komprehensibong hanay ng mga serbisyong inpatient at outpatient. Kabilang sa aming mga Center of Excellence ang Emergency, Cardiovascular, Neurosciences, Orthopedics at Medical/Surgical Services. Ang bawat dalubhasang larangan ay nakatuon sa pagsulong ng agham ng medisina habang nagbibigay ng mataas na kalidad at ligtas na pangangalaga sa pasyente.

Bisitahin ang Regional Medical Center sa: https://regionalmedicalsanjose.com/ 

                                                                                                                                     

 

Media Contacts:                          

County of Santa Clara 

Office of Communications and Public Affairs

[email protected]

408-299-5119

 

Regional Medical Center

Pete Hillan 

[email protected]

831-227-5984